Lalaki patay sa gas poisoning sa isang pocket mine sa Benguet
Nasawi sa gas poisoning ang isang lalaki matapos itong pumasok sa isang pocket mine sa Barangay Camp 4, Kennon Road, Tuba, Benguet.
Nakilala ang nasawi na si Albert Basilio, 55 taong gulang isang magsasaka na dating minero.
Ayon kay Police Major James Acod, itinawag sa kanila ng mga kaanak ng biktima ang insidente kaya agad silang nagsagawa ng retrieval operation para makuha ang bangkay ng biktima sa higit 100-metrong lalim na butas.
Nasa 17 ang oxygen level sa lugar kung saan nakuha ang bangkay ng biktima, malayo ito sa 20 na normal level na kailangan ng tao para makahinga ng maayos.
Base imbestigasyon, posibleng ang naganap na alitan sa kanyang pamilya ang nagtulak sa biktima para maglasing at pumasok sa tunnel na mababa ang oxygen level.
Ayon pa sa mga otoridad, hindi umano maituturing na insidente ng ilegal na pagmimina dahil flashlight lamang ang dala ng biktima at walang nakuhang gamit sa pagmimina sa lugar na pinagkuhanan ng bangkay ng biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.