Zambales niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Zambales, Biyernes (Mar. 15) ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 5 kilometers Northeast ng Candelaria dakong alas alas 2:20 ng hapon.

May lalim itong 46 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...