Patay sa pamamaril sa dalawang mosque sa New Zealand umabot sa 49

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 02:46 PM

AP Photo

(UPDATE) Kinumpirma ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na 49 ang nasawi sa pag-atake ng nag-iisang gunman sa mosque sa Christchurch City.

Maliban sa mga nasawi sinabi ni Ardern na may naitala pang mga nasugatan sa mass shooting.

Dahil sa pag-atake, mula sa low level ay itinaas na sa high ang national security threat level sa New Zealand.

Kinumpirma ng mga otoridad na ang gunman ay isang Australian born citizen.

Matapos ang mass shooting may mga nakita pang improvised explosive device na ikinabit sa mga sasakyan sa Christchurch.

Nagawa naman itong mai-defuse ng ligtas ng mga otoridad.

Base sa inisyal na imbestigasyon pinasok ng suspek ang Masjid Al Noor mosque, 10 minuto matapos mag-umpisa ang afternoon prayers at saka nagsimulang mamaril.

Matapos ito ay nagtungo naman siya sa Linwood Masjid at muling namaril doon.

Sa ngayon may apat na kataong hawak ang mga otoridad habang patuloy pang pinaghahanap ang gunman.

TAGS: Christhchurch, mass shooting, mosque, Radyo Inquirer, Christhchurch, mass shooting, mosque, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.