WATCH: Marvel ipinasilip na ang trailer ng Avengers: Endgame

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 02:12 PM SHARE(S):

Ipinasilip na ng Marvel Studios ang trailer ng Avengers: Endgame na ipalalabas sa April 26.

Ang Avengers: Endgame ay follow-up sa Avengers: Infinity War at sa simula ng trailer nito, makikita si Tony Stark na nasa space.

Pagkatapos ito ay pinakita ang iba pang miyembro ng Avengers na malungkot at nagluluksa sa pagkawala ng kanilang mga kasamahan matapos ang kagulat-gulat na ending ng Infinity War.

Tampok na sa Endgame si Captain Marvel, habang mapapanood pa rin ang mga orihinal na cast na sina Robert Downey Jr., Chris Hemsworth, Chris Evans, Scarlett Johansson, Paul Rudd, Brie Larson, Danai Gurira, at Jeremy Renner.

TAGS: Avengers, Endgame, Radyo Inquirer, trailer, Avengers, Endgame, Radyo Inquirer, trailer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.