Angel Locsin at BF na si Neil Arce, nag-bonding sa New Zealand

By Mar Rose Cabrales March 15, 2019 - 01:48 PM SHARE(S):

Nag-enjoy at sweet na nag-horseback riding si Angel Locsin at kasintahan nitong si Neil Arce.

Batay sa Instagram post ni Angel, takot daw pala si Niel sa kabayo pero itinuloy pa rin nila ito na naging bonding nila sa kaarawan ni Neil.

Ilang taon ding iniwasan ni Angel ang pagsakay sa kabayo dahil sa kanyang back injury na nakuha niya matapos malaglag sa shooting ng pelikula nila ni Piolo Pascual na kinunan sa Australia.

Ang nasabing injury rin ang dahilan kung bakit napunta na kay Liza Soberano ang pagbibidahan sana
nitong movie remake ng “Darna”.

TAGS: Angel Locsin, New Zealand, Niel Arce, Angel Locsin, New Zealand, Niel Arce

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.