LOOK: AFP nagsagawa ng simulation exercise sa MRT-3

March 15, 2019 - 12:56 PM SHARE(S):

Nagsagawa ng simulation exercise (SimEx) ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Metro Rail Transit – 3.

Isinagawa ang SimEx, Biyernes, March 15 ng umaga sa MRT-3 North Avenue Station.

Sa nasabing pagsasanay, kunwari ay rumesponde ang mga sundalo sa isang terrorism attack na naganap sa istasyon ng tren.

Layunin ng SimEx na mapaigting pa ang kaalaman at kasanayan ng mga tauhan ng AFP sa pagtugon sa terrorism crisis sakalong maganap ito sa matataong lugar sa Metro Mainla gaya na lamang sa mga istasyon ng tren.

TAGS: AFP, Metro Rail Transit, MRT, SimEx, AFP, Metro Rail Transit, MRT, SimEx

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.