4TH bigong maka-abante sa semi-finals ng X Factor UK

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2015 - 07:49 AM

Matapos makakuha ng mababang boto, natanggal na sa X Factor UK ang All-Filipina group na 4th Impact.

Sa isinagawang botohan ngayong araw nagkaroon ng deadlock sa boto ng mga judges, Ito ay matapos mapunta sa bottom two ang 4th impact at si Lauren Murray.

Ang mga hurado na sina Rita Ora at Nick Grimshaw ay nagdesisyon na panatilihin sa kompetisyon si Murray.

Habang sina Simon Cowell naman at ang mentor ng 4th impact na si Cheryl Fernandez-Versini ay nagpasyang na panatilihin ang 4th impact.

Dahil sa deadlock sa boto ng mga hurado, ang public vote ang pinagbatayan para sa pagpapasya.

Nang inanunsyo ng host na ang 4th impact ang matatanggal sa kompetisyon, agad umakyat sa entablado si Cowell para yakapin ang magkakapatid.

Sa ikalimang live show ng X Factor UK noong Sabado, (Linggo sa Pilipinas) inawit ng grupo ang I’ll be there ng Jackson 5 at Fancy ni Iggy Azalea.

Dahil sa nasabing botohan, naiwan sa sa kompetisyon si Ché Chesterman, Louisa Johnson, Lauren Murray at Reggie N Bollie.

TAGS: 4thImpact, XFactorUK, 4thImpact, XFactorUK

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.