Mass shooting naitala sa dalawang mosque sa New Zealand

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 12:47 PM SHARE(S):
AP Photo
Marami ang naitalang nasawi matapos mamaril ang isang lalaki sa dalawang mosque na puno ng mga tao sa Christchurch City sa New Zealand.

Ayon sa mga otoridad, nag-iisang gunman ang nagpaputok ng baril at tinarget ang mga nasa loob ng mosque na noon ay dumadalo sa afternoon prayer.

Sa ulat ng local media sa Christchurch, umabot na sa 9 ang nasawi at nagpatupad na ng lockdown sa lungsod.

Pinaghahanap pa kasi ang namaril na suspek.

Ayon kay Prime Minister Jacinda Ardern, maituturing itong “darkest day” sa New Zealand.

Pinayuhan din ni Ardern ang mga residente at turista sa Christchurch na manatili na lamang sa loob ng mga tahanan at iwasan munang lumabas.

TAGS: christchurch, mass shooting, New Zealand, christchurch, mass shooting, New Zealand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.