Dinakip na vice mayor ng Marawi City iniutos na palayain ng DOJ
Ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) ang pansamantalang pagpapalaya sa naarestong vice mayor ng Marawi City na si Arafat Salic.
Si Salic ay dinakip kamakailan dahil sa kasong relebyon kaugnay sa Marawi siege.
Dinala sa DOJ si Salic umaga ng Biyernes, Mar. 15 para sumailalim sana sa inquest proceedings.
Sa utos ni Sr. State Prosecutor Peter Ong sasailalim na lamang muna sa preliminary investigation ang kaso ni Salic.
Ayon kay Ong, dinakip si Salic sa Marawi City Hall dahil sa kasong may kinalaman sa pangyayaring naganap dalawang taon na ang nakararaan.
Pinuna din ni Ong ang hindi pagkakatugma ng ilang pahayag ng testigong si Walid Usman Rakman.
Si Salic ay dinakip sa bisa ng umiiral na martial law sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.