Panukalang batas na layong palakasin at dagdagan ang kapangyarihan ng OSG, ginamitan ng veto power ni Pangulong Duterte

Ginamitan ng veto power ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong palakasin at dagdagan ang kapangyarihan ng Office of the Solicitor General.

Sa kaniyang veto message, sinabi ng pangulo na bagaman suportado niyang mapalakas ang kapangyarihan ng OSG, kailangan din umanong ikunsidera ang epekto ng panukalang batas sa buong pamahalaan.

Sa ilalim ng Senate Bill 1823 at House Bill 7376, layong makapag-hire ng mas maraming abogado para sa OSG.

Sinabi ng pangulo na ang mga dagdag na benepisyo sa mga tauhan ng OSG sa ilalim ng panukalang batas ay maaring magdulot ng disparity at inequality sa lahat ng tauhan ng pamahalaan.

Makokompromiso umano dito ang prinsipyo ng ‘equal pay for work of equal value’.

Sa bersyon ng Kamara ng naturang panukalang batas ay hinihiling pang i-abolish ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) at ang kanilang mga trabaho at tungkulin ay ililipat sa OSG.

Read more...