BDO may upgrade sa kanilang electronic systems sa Mar. 23 hanggang 24

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 11:56 AM SHARE(S):

Hindi magagamit ang ilang electronic service ng BDO Unibank sa March 23 hanggang 24 dahil sa gagawin nilang systems upgrade.

Sa abiso ng BDO, mula alas 10:00 ng gabi ng March 23 hanggang alas 12:00 ng tanghali ng March 24 hindi magagamit ang kanilang AMTs, debit at cash card transactions at online and mobile banking.

Layon ng system upgrade na mas maiayos pa ang electronic banking at ATM service ng BDO para sa kanilang consumers.

Pinayuhan ng BDO ang publiko na gawin na ang mga transaksyon bago ang nakatakdang schedule ng upgrade upang hindi sila maapektuhan.

TAGS: banco de oro, BDO Unibank, Radyo Inquirer, banco de oro, BDO Unibank, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.