Lady guard arestado matapos mahulihan ng baril sa MRT

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 10:58 AM SHARE(S):

Arestado ang isang babaeng pasahero ng MRT-3 matapos mahulihan ng baril sa Taft Station.

Kinilala ang suspek na si Emelyn Zapra, 28 anyos na base sa kaniyang ID ay isang lady guard at nakatalaga sa NAIA Terminal 3.

Galing Taft, sasakay sana si Zapra sa MRT alas 7:45 ng umaga ng Biyernes, March 15.

Pero nang dumaan sa X-ray machine ang kaniyang gamit ay napansin ng naka-duty na security guard na may kahina-hinala sa kaniyang gamit.

Nang busisiin ay nakuha sa kaniya ang isang 9MM na baril na hindi lisensyado at mayroong 8 bala.

Hawak na ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Illegal possesion of firearm at paglabag sa Comelec gun ban.

TAGS: arrested, Gun ban, Pasay, taft, arrested, Gun ban, Pasay, taft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.