Susunod na batch ng kaso laban sa iba pang narco politicians inihahanda na ng DILG

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 10:49 AM SHARE(S):

Inihahanda na ng Department of Interiot and Local Government (DILG) susunod na batch ng kasong isasampa laban sa mga narco politician.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, mayroon pang 20 local officials na sangkot umano sa illegal drug trade ang makakasuhan.

Tuloy-tuloy aniya ang ginagawang validation sa nalalabing narco politicians na nasa narcolist.

Hindi naman nagbigay ng petsa si Malaya kung kailan maihahain ang kaso sa iba pang mga opisyal.

Kahapon pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal na sangkot sa ilegal na droga.

Ito ay makaraang masampahan na sila ng reklamo ng DILG sa Office of the Ombudsman.

TAGS: DILG, narco list, Narco politicians, DILG, narco list, Narco politicians

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.