Halaga ng pinsala sa agrikultura ng El Niño umabot na sa mahigit P864M
Nakapagtala na ng mahigit P864 million na halaga ng pinsala sa mga pananim ang nararanasang epekto ng El Niño sa bansa.
Ang pinsala ay naitala sa mga pananim na palay at mais sa Mimaropa at Region 12.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, kabuuang P864,349,159 ang naitalang halaga ng pinsala sa mga pananim sa dalawang rehiyon.
Mahigit P705 million dito ay sa Region 12 at mahigit P158 million naman ay sa Mimaropa.
Sa ngayon mayroong anim na mga lugar sa bansa ang nakasailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng tagtuyot.
Kabilang dito ang bayan ng San Jose sa Occidental Mindoro; Zamboanga City; at mga bayan ng M’lang, Alamada, Pikit at Aleosan sa Region 12.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.