Person of interest sa pagpatay kay Christine Silawan, hawak na ng pulisya

By Jimmy Tamayo March 15, 2019 - 10:15 AM SHARE(S):

May “person of interest” na ang pulisya sa karumal dumal na pagpatay sa 16-anyos na si Christine Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Hindi pinangalanan ang nasabing tao pero sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Bernard Banac na maaring may kinalaman din ito sa pagpatay sa biktima.

Ang nasabing “person of interest” ay hawak na ngayon ng Police Regional Office 7.

Ang bangkay ni Silawan ay natagpuan sa Sitio Mahayahay, Barangay Bankal na may tatlumpung saksak sa katawan, walang saplot pang-ibaba at binalatan pa ang mukhang hanggang sa lumabas ang bungo.

Nabatid din na kinuha pa ang laman loob ng dalagita.

TAGS: Christine Silawan, Lapu-Lapu City, Radyo Inquirer, Christine Silawan, Lapu-Lapu City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.