Manila Water nagpaliwanag kung bakit pwedeng basta taasan ang alokasyon ng tubig galing Angat Dam

Radyo Inquirer Photo
Ipinaliwanag ng Manila Water kung bakit sa kabila ng napakarami pang tubig sa Angat Dam ay nakararanas pa rin ng water shortage sa mga lugar na kanilang sineserbisyuhan.

Ito ay makaraang punahin mismo ng Malakanyang ang water shortage at sinabi pang bubusisiin ng Palasyo ang posibilidad na baka ‘artificial’ ang water shortage dahil sapat naman ang tubig sa Angat Dam.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Manila Water Communications Manager Dittie Galang na limitado lang ang suplay ng tubig na nakukuha ng Manila Water sa Angat Dam.

Mula taong 1997 aniya, 60-40 na ang hatian nila ng Maynilad sa nakukuhang tubig sa Angat. 4 billion liters ang alokasyon ng tubig mula sa Angat para sa domestic use sa Metro Manila, 1.6 billion liters dito ang napupunta sa Manila Water at 2.4 billion liters ang napupunta sa Maynilad.

Ani Galang, noong 1997, higit pa sa sapat ang nasabing alokasyon para sa kanilang mga consumer sa Metro Manila. Pero tumaas ng tumaas ang demand sa paglipas ng mga taon dahil dumami ng dumami ang tao sa Metro Manila.

Sa kabila ng pagtaas ng demand, nanatili sa 1.6 billion liters ang alokasyong tubig galing Angat Dam at hindi na ito nadagdagan pa hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi rin ni Galang na hindi maaring basta-basta lamang taasan ang alokasyon ng tubig na nagmumula sa Angat dahil mayroong limitasyon ang capacity ng conveyance system na dinaraanan ng tubig galing Angat patungong La Mesa dam.

Bagaman ang MWSS aniya ay nagtatayo ng panibagong pwedeng daanan ng tubig pero aabutin ng 1 hanggang 2 taon bago tuluyang makumpleto.

Read more...