French cardinal na nahatulan sa usapin ng sex abuse makikipagpulong kay Pope Francis

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 09:42 AM SHARE(S):
AP Photo

Makikipagkita kay Pope Francis ang French cardinal na nahatulang makulong dahil sa kabiguang isumbong sa mga otoridad ang pari na kaniyang nasasakupan na nasangkot sa sex abuse.

Magaganap ang pagpupulong ng Santo Papa at ni Cardinal Philippe Barbarin sa Lunes sa Vatican.

Inaprubahan ng Santo Papa ang hirit na private audience ni Barbarin ayon sa pahayag ng French church officials.

Noong nakaraang linggo ay nahatulan ang 68 anyos Barbarin ng anim na buwang pagkakabilanggo.

Sa naging desisyon ng korte sa Lyon, France, guilty si Barbarin sa kabiguang iulat ang mga alegasyon laban sa pari na si Bernard Preynat.

TAGS: Cardinal Philippe Barbarin, pope francis, Radyo Inquirer, Cardinal Philippe Barbarin, pope francis, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.