Korte sa Taguig nagpalabas ng warrant of arrest laban kay Nicko Falcis

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 09:11 AM SHARE(S):

Nagpalabas ng warrant of arrest ang korte sa Taguig laban sa dating business partner at manager ni Kris Aquino na si Nicko Falcis.

Ang warrant of arrest ay inilabas ni Judge Felix Reyes acting presiding judge ng Taguig City Regional Trial Court.

Ang arrest warrant ay para sa kasong paglabag sa RA number 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998 na inihain ni Kris Quino laban kay Falcis.

Ipinadala ang kopya ng nasabing warrant of arrest sa PNP warrant section sa Quezon City, sa Tagiug Police Station, sa NBI at sa CIDG para sa pagsisilbi nito kay Falcis.

Nagtakda naman ng P60,000 piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Falcis.

TAGS: Kris Aquino, Nicko Falcis, Radyo Inquirer, taguig rtc, warrant of arrest, Kris Aquino, Nicko Falcis, Radyo Inquirer, taguig rtc, warrant of arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.