Problema sa server idinahilan ng Facebook sa naranasang outage kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 08:54 AM SHARE(S):
Inquirer file photo
Isinisi ng Facebook sa server configuration change ang naranasang outage na nakaapekto sa kanilang mga user sa iba’t ibang panig ng mundo kahapon.

Sa pagtaya ay umabot ng 12 oras ang naranasang outage ang malaking bilang ng naapektuhan ay sa North America at Europe.

Sa tweet ng Facebook, sinabi nitong resulta ng server configuration change ang nangyang problema.

Naresolba na umano ang isyu ang naka-recover na ang kanilang server.

Humingi din ng paumanhin ang Facebook sa mga user.

TAGS: facebook, outage, Radyo Inquirer, facebook, outage, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.