Rerouting maagang ipinatupad sa Monumento, Caloocan para sa paggunita ng Bonifacio Day
Pasado alas dose pa lamang ng madaling araw nagpatupad na ng road closures sa ilang lansangan sa paligid ng Monumento sa Caloocan City.
Ito ay para sa mga aktibidad ngayong araw, kaugnay sa paggunita ng ika-152 na kaarawan ni Andres Bonifacio.
Sa bahagi ng EDSA-Monumento, sarado na ang southbound lane mula sa Monumento Circle hanggang sa A. De Jesus Street.
Nagpapatupad naman ng counterflow sa northbound lane mula sa A. de Jesus Street.
Sarado rin ang Samson Road sa tapat ng Monumento Circle at ang mga sasakyan ay pinapakaliwa sa Caimito Street, palabas ng Mc. Arthur Highway at kanan sa EDSA.
Ang mga galing naman sa Avenida Rizal at patungo sa EDSA ay kakanan sa 10th Avenue patungo sa Boni Serrano palabas ng EDSA.
Kabilang sa mga aktibidad na gagawin ngayong umaga sa Monumento ay ang pagdaraos ng parade at pagtaas ng watawat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.