LOOK: Ilang lansangan sa Makati isasara bukas, Mar. 16

March 15, 2019 - 08:17 AM

Ilang lansangan ang isasara sa Makati City bukas, araw ng Sabado, March 16 at magpapatupad ng traffic rerouting ang lokal na pamahalaan.

Sa abiso ng Makati City government, ito ay dahil sa idaraos na Canonical Coronation ng Virgen de la Rosa de Makati sa St. Peter at St. Paul Parish Church at Plaza Cristo Rey sa Barangay Poblacion.

Ang pagsasara ng mga kalsada ay uumpisahan madaling araw pa lamang ng Sabado at tatagal hanggang hapon.

Narito ang mga lansangang isasara:

(Mar. 16 – 3AM to 2PM):
1. P. Burgos St. mula San Mateo St. hanggang Gen. Luna St.
2. Valdez St. mula Makati Ave. hanggang P. Burgos St.
3. D.M. Rivera St. mula P. Burgos St. hanggang J.P. Rizal St.

(Mar. 16 – 5AM to 2PM):
1. Guanzon St. mula Makati Ave. hanggang P. Burgos St.
2. Guerrero St. mula Makati Ave. hanggang P. Burgos St.
3. San Juan St. mula P. Burgos St. hanggang Pagulayan St.
4. San Lucas St. mula P. Burgos St. hanggang Pagulayan St.
5. San Marcos St. mula P. Burgos St. hanggang Pagulayan St.
6. Pagulayan St. mula D.M. Rivera St. hanggang Gen. Luna St.
7. Agno St. mula D.M. Rivera hanggang Ilaya St.

Ang mga motorista na galing sa Ayala Avenue / CBD area ay maaring gamitin ang sumusunod na ruta:

Kung patungong Maynila – dumaan sa P. Burgos kaliwa sa Kalayaan Ave., kanan sa Makati Avenue, kaliwa sa J.P. Rizal patungong destinasyon.

Kung patungong Mandaluyong – dumaan ng Makati Ave patungong Makati-Mandaluyong Bridge.

Kung patungong Guadalupe – dumaan sa P. Burgos kanan sa Kalayaan Ave., kaliwa sa Rockwell Drive, kaliwa sa Estrella St., kanan sa J.P. Rizal patungong destinasyon.

TAGS: Canonical Coronation, makati city, Radyo Inquirer, road closures, Virgen de la Rosa de Makati, Canonical Coronation, makati city, Radyo Inquirer, road closures, Virgen de la Rosa de Makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.