LOOK: Pangarap ng conjoined twins na makaharap si Pangulong Duterte natupad na

By Chona Yu March 15, 2019 - 08:02 AM SHARE(S):

Personal na hinarap ni Pangulong Rodrigo duterte ang dating conjoined twins na sina Divine at Mercy Cerilo mula sa Sabang, Camarines Norte.

Nagkaharap ang pangulo at ang conjoined twins matapos ang matagumpay na operasyon.

Naoperahan ang conjoined twins sa tulong na rin ni dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Ayon kay Go, magsisilbi rin siyang ninong sa kambal na nakatakdang binyagan sa darating na Linggo.

Bukod sa operasyon, aayudahan din ang mga magulang ng kambal na sinarubelyn at Edmund ng livelihood program para matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

TAGS: Camarines Norte, conjoined twins, president duterte, Camarines Norte, conjoined twins, president duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.