Senador Lacson pinaghahain ng kaso laban kay House Speaker Arroyo dahil sa pagmaniobra sa 2019 budget

By Chona Yu March 15, 2019 - 07:57 AM

Pinadudulog na lamang ng palasyo ng malakanyang si senador panfilo lacson sa korte para magsampa ng kaso kung sa paniwala niya ay minamanipula ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang 2019 national budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malaya naman ang sinuman na maghain ng kaso sa korte.

Wala na rin aniyang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatawag muli ang mga mambabatas para ayusin ang gusot sa budget.

Matatandaan na noong Martes ng gabi, ipinatawag ni Pangulong Duterte ang mga kinatawan ng kongreso para pag-usapan ang budget subalit wala ring napala.

Sa ngayon, gumagana ang gobyerno sa ilalim ng reenacted budget.

Ayon kay Panelo, nakahanda naman ang economic managers ni Pangulong Rodrigo duterte na tugunan ang mga maantalang proyekto dahil sa reenacted budget.

“Kung sinasabi mong unconstitutional it behooves them to file appropriate charges against whosever has violated any law (in this case the speaker, yes?) whoever, kung sino gumawa noon” ayon kay panelo.

TAGS: 2019 national budget, Salvador Panelo, Senator Ping Lacson, 2019 national budget, Salvador Panelo, Senator Ping Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.