Cantilan, Surigao Del Sur niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 07:54 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Cantilan sa Surigao Del Sur.

Naitala ang pagyanig alas 7:02 ng umaga ng Biyernes, March 15, sa 20 kilometers northeast ng Cantilan.

Tectonic ang origin ng lindol at 16 kilometers ang lalim.

Inaalam pa ng Phivolcs kung ang naturang pagyanig ay naramdaman sa iba pang lugar.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

TAGS: earthquake, phivolcs, Radyo Inquirer, surigao del sur, earthquake, phivolcs, Radyo Inquirer, surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.