Puganteng Korean arestado ng BI

By Angellic Jordan March 15, 2019 - 06:59 AM

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 49-anyos na Koryano na wanted sa kasong drug trafficking.

Dinakip ng tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI si Lee Yun Sung katuwang si Korean Police Attache Chang Sungsoo sa Barangay Sangandaan, Caloocan.

Ayon sa ahensya, sinabi ni Consul at Police Attache Lee Soo Bok mula sa Embahada ng Korea na isang undocumented alien si Lee.

Wanted si Lee sa kasong paglabag sa Korean Narcotics Control Act.

Mayroon ding inilabas na warrant of arrest ang tatlong korte sa Korea laban kay Lee dahil sa drug smuggling.

Sa ngayon, pinoproseso na ng ahensya ang deportation proceedings kay Lee.

TAGS: arrested, BI, korean national, arrested, BI, korean national

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.