Maynilad may emergency service interruption ngayong araw, Mar. 15 sa Bacoor at Las Pinas City

By Dona Dominguez-Cargullo March 15, 2019 - 06:33 AM SHARE(S):

Maghapong makararanas ng water service interruption ang mga residente sa Bacoor City at Las Pinas City na sineserbisyuhan ng Maynilad.

Sa abiso ng Maynilad, hanggang alas 11:00 ng gabi ang mararanasang low hanggang no water supply sa sumusunod na mga barangay sa Las Pinas City:

• Almanza Uno
• Pamplona Uno
• Pamplona Dos
• Pamplona Tres
• Pilar
• Pulanglupa Dos
• Talon Uno
• Talon Dos
• Talon Tres
• Talon Kuatro
• Talon Singko

Apektado rin ang sumusunod na mga barangay sa Bacoor City:

• Molino II hanggang III
• Molino VII
• Queens Row Central
• Queens Row East
• Queens Row West
• San Nicolas III

Ang emergency water interruption ay dahil sa nararanasang mataas na demand sa kanilang Pagcor Pumping Station.

TAGS: Bacoor, las pinas, maynilad, Radyo Inquirer, water service interruption, Bacoor, las pinas, maynilad, Radyo Inquirer, water service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.