Anak ng Mayor sa Sariaya, Quezon patay sa enkwentro sa pulisya

By Len Montaño March 15, 2019 - 04:54 AM SHARE(S):

Dead on the spot ang anak ng Mayor sa Sariaya, Quezon matapos ang enkwentro sa mga pulis araw ng Huwebes.

Agad na namatay si Christian Gayeta, 21 anyos na anak ni Mayor Marcelo Gayeta.

Nakasagupaan ng nakababatang gayeta ang mga pulis mula sa Tayabas City na tumugon sa report na may nagpaputok ng baril sa gasolinahan sa Barangay Baguio.

Ayon kay PO3 Michael Rojas ng Tayabas Police, may reklamo sa city hall text hotline mula sa isang gasoline boy na pinaputukan ng dalawang beses ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Mapalad na hindi tinamaan ang gasoline boy.

Rumesponde ang mga pulis pero pinaputukan umano sila ng dalawang nakasakay sa motorsiklo kabilang anak ng alkalde.

Narekober sa lugar ang isang kalibre .45 at kalibre .22 mula sa mga suspek.

Samantala, duda si Mayor Gayeta sa pagkamatay ng anak.

Hiniling nito sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pangyayari

TAGS: Christian Gayeta, enkwentro, Mayor Marcelo Gayeta, Quezon, Sariaya, Tayabas Police, Christian Gayeta, enkwentro, Mayor Marcelo Gayeta, Quezon, Sariaya, Tayabas Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.