33 probinsya, daranas ng tagtuyot hanggang matapos ang El Niño sa Mayo
Hanggang pagtatapos pa ng buwan ng Mayo ang mararanasang paghihirap ng bansa mula sa epekto ng El Niño.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Ricardo Jalad, nasa 41 probinsya ang nasa ilalim ng dry spell o tagtuyot hanggang sa huling bahagi ng Mayo.
Ang tagtuyot ay kung umiiral ang 3 magkakasunod na buwan ng below-normal rainfall o dalawang magkasunod na buwan na way-below-normal rainfall.
Sa pagtatapos ng Abril, na peak ng El Niño, nasa 42 lalawigan ang ilalagay sa ilalim ng dry spell habang 22 iba pa ang makakaranas ng tagtuyot.
Sa pagtatapos ng Mayo, magiging 33 probinsya ang daranas ng tagtuyot.
Inaasahan namang bubuti ang kundisyon sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa Hunyo pero tinatayang 20 lalawigan pa rin ang mananatili sa ilalim ng dry spell.
Pero ayon sa NDRRMC, walang maasahang imporvement sa aspeto ng rainfall.
Nasa 6 hanggang 9 na bagyo lamang ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa naturang forecast period.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.