60 arestado sa SACLEO sa Pasay City

By Rhommel Balasbas March 15, 2019 - 04:29 AM

Contributed photo

Arestado ang animnapu katao sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa Pasay City sa buong magdamag.

Ayon sa Pasay City Police, ang mga nahuli ay pitong drug personalities; 51 ay violators ng local ordinances at 2 ay dahil sa medical malpractice at estafa.

Sa mga lumabag sa local ordinances, apatnapu ang nahuling umiinom sa pampublikong lugar, pito ang walang damit pang-itaas at ang iba ay dahil sa illegal parking.

Walang naaresto sa buy bust operation dahil wala pang kapalit sa mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit.

Ayon sa Pasay City Police, kumaunti na ang bilang ng nahuling lumabag sa local ordinances kumpara sa mga nakalipas na buwan.

Samantala, ang dalawang naaresto dahil sa medical malpractice at estafa ay isang LGBT member at boyfriend nito.

Nagpanggap na doktor ang suspek na si alyas ‘Chris’ at inireklamo ng isang biktima na nagpa-breast at cheekbone enhancement noong 2017 kapalit ng P150,000.

Makalipas ang ilang taon ay nagkaroon ng kumplikasyon ang operasyon at ipinagbigay alam ng biktima ito sa suspek.

Ngunit nag-alok lamang ito na tanggalin ang silicon at magsagawa na lamang ulit ng bagong operasyon.

Dahil dito, lumapit sa Professional Regulatory Commission (PRC) ang biktima at dito niya napag-alamang pekeng doktor ang suspek.

Umamin ang suspek na 10 taon na siyang nagtuturok ng silicon ngunit ipinagtanggol nito ang kanyang boyfriend na wala umanong kinalaman sa kanyang ginagawa.

TAGS: local ordinances, Pasay City, Pasay City Police, SACLEO, silicon, Station Drug Enforcement Unit, local ordinances, Pasay City, Pasay City Police, SACLEO, silicon, Station Drug Enforcement Unit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.