Warriors, hinarangan ang 9-game streak ng Rockets

By Len Montaño March 15, 2019 - 04:17 AM SHARE(S):

Tinapos ng Golden State Warriors ang siyam na sunod na panalo ng Rockets sa laro na nagtapos sa score na 106-104.

Dumipende ang Warriors kay Klay Thomspon na gumawa ng 30 points na dinagdagan ni Stephen Curry ng 23 points.

Tumira si Curry ng dalawang free throw sa natitirang walong segundo ng laro.

Naipasok ni James Harden ang isang free throw sa huling 6.4 seconds pero mintis ang isa pa at nang makuha ni Andre Iguodala ang bola ay sinelyuhan nito ang panalo ng Warriors.

Una rito ay tinalo ng Rockets ang Warriors sa unang tatlo nilang laro sa kasalukuyang NBA season.

Nangunguna na ngayon sa Western Conference ang Warriors sa kartadang 46 wins at 21 loss.

TAGS: 9-game streak, Andre Iguodala, free throw, James Harden, Klay Thompson, NBA, Rockets, Stephen Curry, warriors, Western Conference, 9-game streak, Andre Iguodala, free throw, James Harden, Klay Thompson, NBA, Rockets, Stephen Curry, warriors, Western Conference

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.