Local candidates pinayuhang tanggalin na ang illegal campaign posters
Nanawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato para sa local positions na tanggalin na ang kanilang illegal posters bago ang campaign period.
“We are reminding local candidates to start taking down their campaign posters and streamers… these will be violating campaign rules,” ani Comelec Spokesperson James Jimenez.
Ang campaign period para sa mga local candidates kabilang ang mga tumatakbo sa pagka-Kongresista ay magsisimula sa March 29 at magtatapos sa April 21.
Samantala, sinabi ni Jimenez na nagpadala na ng notice ang Comelec sa mga senatorial candidates na may illegal campaign materials.
Hindi pa ibinigay ng poll body official ang pangalan ng mga kandidatong lumabag ngunit tiniyak na sasampahan ng reklamo ang mga ito.
Nauna nang sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na 34 kandidato kabilang ang party-list candidates ay inutusang sumunod sa batas tungkol sa campaign materials.
Ang mga lumabag sa campaign rules ay posibleng maharap sa pagkakakulong ng hindi lalampas sa anim na taon, diskwalipikasyon sa pagtakbo sa halalan at matatanggalan ng karapatang bumoto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.