Pamamaslang sa abugado sa Tagum, kinondena ng Chief Justice at IBP

By Rhommel Balasbas March 15, 2019 - 03:53 AM

Mariing kinondena ni Chief Justice Lucas Bersamin ang pamamaslang sa abugadong si Rex Jasper Lopoz sa harap ng isang mall sa Tagum City, Miyerkules ng gabi.

Si Lopoz na may hawak na mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga ay napatay sa pamamaril.

Ayon kay Bersamin, walang buhay ng tao ang dapat makitil sa kahalintulad na pamamaraan lalo na ang isang abugado na naninilbihan sa korte ng katarungan.

Nanawagan ang punong mahistrado sa mga awtoridad na tuldukan ang kriminalidad lalo na ang mga gun for hire na wala anyang lugar sa lipunan.

Kinondena rin ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pamamaslang kay Lopoz.

Ayon sa IBP 38 abugado, hukom at prosecutor na ang pinatay simula August 2016.

Ayon sa IBP, ang mga hindi nareresolbang krimen laban sa mga abugado ay nagdudulot lamang ng takot na nagpaparalisa sa mga haligi ng justice system.

Nanawagan ang IBP sa pulisya at Korte Suprema na resolbahin ang mga kasong ito.

TAGS: abogado, Chief Justice Lucas Bersamin, Droga, IBP, justice system, kinondena, Rex Jasper Lopoz, tagum city, abogado, Chief Justice Lucas Bersamin, Droga, IBP, justice system, kinondena, Rex Jasper Lopoz, tagum city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.