Angelica Panganiban, gaganap na mapangahas na tita sa teleserye

By Len Montaño March 15, 2019 - 03:46 AM SHARE(S):

Isang mapangahas na tita ang bagong role na gagampanan ni Angelica Panganiban.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Angelica ang larawan na kasama niya ang ibang aktres na kabilang sa proyektong “Don’t Call Me Tita” na mapapanood sa streaming application na iWant.

Kasama ni Angelica sa teleserye sina Ice Seguerra, Cherry Pie Picache, Mylene Dizon, Joana Ampil at Agot Isidro.

Isa sa mga mapangahas na tema ng naturang palabas ang tungkol sa sensuwalidad ng mga tita.

Ayon kay Angelica, pangunahing isusulong nila ang women empowerment.

Naniniwala ang dalaga na maaaring baka hindi pa lubusang handa ng Filipino audience sa tema ng “Don’t Call Me Tita” pero tiyak anyang magugustuhan ito ng publiko.

Wala pa namang eksaktong petsa kung kailan ipapalabas ang bagong programa.

TAGS: "Don't Call Me Tita", Angelica Panganiban, iWant, mapangahas, sensuwalidad, teleserye, tita, women empowerment, "Don't Call Me Tita", Angelica Panganiban, iWant, mapangahas, sensuwalidad, teleserye, tita, women empowerment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.