Duterte: Biyahe mula Makati hanggang Cubao gagawin kong 5 minuto

By Rhommel Balasbas March 15, 2019 - 03:29 AM

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na paiikliin sa limang minuto ang biyahe mula Cubao, Quezon City hanggang Makati.

Sa talumpati sa Isabela, sinabi ng pangulo na bigyan lamang siya ng hanggang Setyembre at tiyak ay makararanas na ng pagganda sa sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.

Ito anya ay dahil sa infrastructure programs ng gobyerno sa ilalim ng Build Build Build.

Partikular na tinutukoy ng presidente ang pagtapos sa konstruksyon ng elevated expressway.

Sinabi ni Duterte na pag natapos ang naturang proyekto ay gagawin na lamang niyang basurahan ang EDSA.

Matatandaang sa isang talumpati kamakailan ay nagpahayag ng pagkadismaya ang pangulo dahil hindi niya matupad ang campaign promise na tuldukan ang lala ng trapiko sa EDSA.

Ito ay dahil sa hindi umano siya mabigyan ng Kongreso ng emergency powers

TAGS: Bild, biyahe, Cubao, elevated expressway, emergency powers, infrastructure programs, limang minito, Makati, Rodrigo Duterte, Setyembre, trapiko, Bild, biyahe, Cubao, elevated expressway, emergency powers, infrastructure programs, limang minito, Makati, Rodrigo Duterte, Setyembre, trapiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.