Traffic aide, balak ideploy sa mga airport terminal

 

Inquirer file photo

Plano ng Manila International Airport Authority na magpakalat ng mga traffic personnel sa mga airport terminal upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Ayon kay MIAA Assistant General Manager for security services Jesus Gordon Descanzo, balak nilang umpisahan ang proyekto sa pamamagitan ng pagtanggap ng 36 na bagong traffic personnel.

Posible aniyang maumpisahan ang pagpapakalat ng mga ito sa iba’t-ibang airport terminal sa unang bahagi ng susunod na taon.

Magiging pangunahing layunin ng mga traffic aide ay ang tiyakin na sinusunod ng mga motoristang naghahatid at nagsusundo ng kanilang mga kaanak o kaibigan ang 2-minute rule sa paghinto ng mga sasakyan sa mga terminal.

Kahit may mga traffic aide na, mananatili pa rin naman aniya ang puwersa ng Airport Police sa bisinidad ng paliparan at kanilang makakatulong ang mga traffic personnel./ Jay Dones

Excerpt: Balak umanong tumanggap ng 100 traffic personnel ang MIAA.

Read more...