Khonghun pinabulaanan ang pagkasama sa narco list

By Len Montaño March 15, 2019 - 02:42 AM SHARE(S):
Screengrab from Mayor Khonghun FB video

Itinanggi rin ni Subic Mayor Jefferson “Jay” Khonghun ang alegasyon na isa siyang narco politician.

Ayon kay Khonghun, ang alegasyon ay kagagawan ng kanyang karibal sa pulitika.

Ang pagtanggi ni Khonghun ay matapos siyang masama sa narco list na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Facebook Live video ay sinabi ni Khonghun na hindi niya kailangang magprotekta ng droga o maging drug lord dahil hindi naman siya ganoon kahirap.

Makikita naman sa video na katabi ng alkalde ang kanyang girlfriend na si Aiko Melendez.

Kahit kita sa video ay hindi naman nagsalita si Melendez at matamang nakikinig lamang ito kay Khonghun.

Ang Alkalde ay laging suportado ng aktres sa mga pagharap nito sa publiko lalo na sa gitna ng kontrobersya.

TAGS: Aiko Melendez, itinanggi, narco list, narco politician, Pulitika, Subic Mayor Jefferson "Jay" Khonghun, Aiko Melendez, itinanggi, narco list, narco politician, Pulitika, Subic Mayor Jefferson "Jay" Khonghun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.