Lalaki arestado sa droga at pampasabog sa Zamboanga City

By Len Montaño March 15, 2019 - 01:37 AM SHARE(S):

Arestado ang isang lalaki na nakuhanan ng hinihinalang shabu at pampasabog sa buy bust operation sa Barangay Sta. Maria Zamboanga City Huwebes ng gabi.

Nabatid na nakatakas dati ang suspek sa operasyon noong Hulyo.

Nagtago ito sa lugar at nagrenta ng isang abandonadong sasakyan.

Narekober sa suspek ang 19 sachet ng shabu, dalawang MK-2 fragmentation grenade at isang pampasabog.

Nahaharap ang lalaki sa kasong illegal possession of drugs and explosives.

TAGS: arestado, illegal possession of drugs and explosives, MK-2 fragmentation grenade, pampasabog, shabu, Zamboanga City, arestado, illegal possession of drugs and explosives, MK-2 fragmentation grenade, pampasabog, shabu, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.