Cardinal Tagle nanawagan ng panalangin para sa ulan
Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat ng mananampalataya na ipanalangin ang ulan.
Ito ay sa gitna ng nararanasang water crisis sa Metro Manila.
Sa circular letter na inilabas ng araw ng Huwebes, ipinasasama ni Tagle sa Panalangin ng Bayan sa bawat misa sa buong Archdiocese of Manila ang biyaya ng ulan.
Sinabi naman ni Tagle na dapat hilingin din sa Diyos na sa gitna ng krisis ay matutunan ng bawat isa ang pagbabahagi sa kapwa.
Anya, ang bawat tao ay may pananagutan sa kapwa, sa kalikasan at sa lahat ng biyayang ipinagkaloob ng Diyos.
Ang customers ng Manila Water ay nakararanas ngayon ng water shortage na inaasahang tatagal pa ng ilang buwan dahil sa El Niño phenomenon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.