Violago itinanggi ang pagkasama sa narco list

By Len Montaño March 15, 2019 - 01:20 AM SHARE(S):

Pinabulaanan ni San Rafael, Bulacan Mayor Cipriano Violago Jr. na sangkot siya sa kalakalan ng droga matapos siyang pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang narco politician.

Ayon kay Violago, nakipag-tulungan pa siya sa lahat ng imbestigasyon mula 2016 sabay sisi sa kanyang kalaban sa pulitika sa pagkasama niya sa narco list.

Sa kanyang Facebook post ay sinabi ng Alkalde na “cleared” siya sa lahat ng imbestigasyon at subject na para sa “de-listing” ang kanyang pangalan pero may humaharang mula umano sa Office of the President.

Handa umano si Violago na muling humarap sa imbestigasyon para linisin ang kanyang pangalan.

TAGS: itinanggi, kalaban, Mayor Cipriano Violago Jr., narco list, narco politician, Pulitika, itinanggi, kalaban, Mayor Cipriano Violago Jr., narco list, narco politician, Pulitika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.