Bantang pagbaril ni Duterte kay Roxas biro lang ayon sa Malakanyang

By Chona Yu March 15, 2019 - 12:27 AM SHARE(S):

Nagbibiro lamang si Pangulong Rodrigo Duterte nang ihayag nito na walang kwenta si Senatorial candidate Mar Roxas at handa niya itong barilin ng libre.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pagbabanta kundi pagpapatawa lamang ang naging pahayag ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Isabela.

Paliwanag ni Panelo, hindi naman libre ang pagbaril ng tao dahil may bayad ang pagpatay kung kaya walang logic ang pahayag ng Pangulo.

Iginiit pa ni Panelo na kasama na sa kampanya at bahagi lamang ng freedom of expression ang pahayag ng Pangulo.

Dadag ni Panelo, maging ang mga taga Otso Diretso ay panay rin ang banat sa mga pambato ng administrasyon.

Matatandaang sa talumpati ng Pangulo, sinabi nitong walang silbi o walang  kwentang tao si Roxas kung kaya maari niya itong barilin ng libre lamang.

Wala rin aniyang loyalty si Roxas dahil parehong nagsilbi sa gabinete nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno Aquino III.

TAGS: banta, barilin ng libre, biro, freedom of expression, Mar Roxas, Otso Diretso, pagbaril, Pangulong Rodrigo Duterte, PDP Laban, Presidential spokesman Salvador Panelo, banta, barilin ng libre, biro, freedom of expression, Mar Roxas, Otso Diretso, pagbaril, Pangulong Rodrigo Duterte, PDP Laban, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.