Batas ukol sa mas malaking plaka ng motorsiklo at tricycle aprubado na ni Duterte

By Chona Yu March 15, 2019 - 12:05 AM SHARE(S):

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na lagyan ng mas malaking plate number ang mga motorsiklo sa buong bansa.

Sa ilalim ng Republic Act 11235 o , anim hanggang labing dalawang taon ang magiging parusa sa sinumang hindi tatalima nito.

Bukod sa malaking plate number, magiging color-coded na rin ang plaka depende sa rehiyon.

Bukod sa multa, maaari ring pagmultahin ang sinumang lalabag sa batas ng P50,000 hanggang P100,000.

Saklaw din ng bagong batas ang mga tricycle.

Inatasan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na tiyakin sa mga local government units na mayroong impounding area sa mga makukumpiskang motor o tricycle.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas noong March 8.

TAGS: color-coded, DILG, mas malaki, Motorcycle Prevention Act, motorsiklo, plaka, plate number, Republic Act 11235, Tricycle, color-coded, DILG, mas malaki, Motorcycle Prevention Act, motorsiklo, plaka, plate number, Republic Act 11235, Tricycle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.