Locsin, bibisita sa China mula March 18 hanggang 21
Bibisita si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa China mula March 18 hanggang 21.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), itinakda ang official visit ni Locsin matapos itong imbitahan ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Locsin sa China bilang isang kawani ng gobyerno.
Inaasahang tatalakayin ng dalawa sa bilateral meeting ang pagpapaigting ng relasyon ng Maynila at Beijng.
Ayon pa sa kagawaran, pag-uusapan nina Locsin at Yi ang iba pang paraan para makamit ang kapayapaan at kasaganahan sa dalawang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.