Gumagamit ng disposable products, dumarami dahil sa krisis sa tubig

Nababahala ang environmental watch group na EcoWaste Coalition sa patuloy na nararanasang kakulangan sa suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng grupo, nagdudulot ang krisis sa tubig ng pagdami ng mga gumagamit ng mga disposable product sa bansa.

Sa mga bahay at business establishments, mas pinipili na aniyang gumamit ng mga plastic na plato, kutsara, tinidor at baso para makaiwas sa paggamit ng tubig.

Ang pagtaas ng demand sa paggamit ng disposable products ay makadadagdag sa dami ng basura kada araw.

Dahil dito, umaasa ang grupo na agad masolusyunan ang problema para mabigay ang pangangailangan ng publiko.

Hinikayat din ni Lucero ang publiko na maging seryoso sa pagtitipid ng tubig.

Read more...