Mamayang gabi ay ilalabas na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kontrobersiyal na narco list.
Sinabi ni DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya na ilalabas ang listahan kasabay ng pulong ng National Peace and Order Council (NPOC) sa Davao City.
Ipinaliwanag ng opisyal na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang magsasapubliko ng nasabing listahan na nauna nang sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año ay kinabibilangan rin ng ilang kaalyadong pulitiko ng administrasyon.
Sa kasalukuyan ay nasa Davao City na ang lahat ng mga top officials ng Philippine National Police at Armed Foirces of the Philippines para sa nasabing meeting.
Nauna nang sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency na kabilang sa narco list ang 82 mga pulitiko na kinabibilangan ng ilang gobernador, vice-governors, congressmen, mayors, vice-mayors at ilang konsehal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.