DBM: Dagdag na sweldo para sa gov’t workers kaya ng reenacted budget
Nilinaw ng Department of Budget na maibibigay pa rin ang dagdag na sweldo sa mga kawani ng gobyerno kahit na reeancted budget ang gamitin sa kasalukuyang taon.
Pero nilinaw ng DBM na kailangang gumawa ng isang executive order ng pangulo para mailabas ng kagawaran ang fourth tranche ng salary increase sa mga tauhan ng pamahalaan.
Sinabi ni DBM officer-in-charge Janet Abuel ang pahayag sa gitna ng pagkakabinbin sa paglagda ng pangulo sa 2019 national budget dahil sa patuloy na iringan sa pagitan ng ilang mga kongresista at senador sa pondo.
Ipinaliwanag ni Abuel na natural na kapusin ang pondo kung mananatiling gagamitin ang kahalintulad na budget noong 2018 kaya kailangan ang EO ng pangulo para sa kaukulang dagdag na pondo.
Sa ilalim ng Salary Standardization Law, ang mga tauhan ng pamahalaan na tatanggap sweldo para sa entry-level personnel sa teaching profession, o katumbas ng Teacher 1, ay magiging P20,754 mula sa dating P20,179.
Para sa fourth tranche ng salary standardization, ang DBM ay mangangailangan ng dagdag na P40 hanggang P50 Billion sa kasalukuyang taon para masakop ang lahat ng mga kawani ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.