NIA: Davao Del Sur at Mindoro Occidental tinamaan na ng matinding El Niño
Lubhang apektado ng El Niño phenomenon ang mga probinsya ng Davao del Sur at Mindoro Occidental, ayon sa National Irrigation Administration o NIA.
Sa isang panayam, sinabi ni Pilipina Bermudez, Department Manager A ng NIA Public Affairs and Information Staff na aabot sa tatlong libo at walong daang ektarya ng taniman ang apektado sa Davao del Sur habang walong libong ektarya naman sa Mindoro Occidental.
Sa Davao del Sur, hindi nagkaroon ng pag-ulan mula pa noong December, 2018 habang binaha naman ang mga pananim sa Davao del Norte at Compostela Valley.
Ayon kay Bermudez, nagtalaga ang NIA ng dalawampu’t limang unit ng shallow tube well sa Davao del Sur para tulungan ang mga apektadong magsasaka.
Sa Mindoro Occidental naman, nagbigay na aniya ng suplay ng tubig para sa mga pananim.
Kasunod nito, pinayuhan ni Bermudez ang mga magsasaka na magtanim ng mga hindi masyadong kailangan ng tubig para hindi malugi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.