Reward money para mahuli ang mga suspek sa Lapu-Lapu City rape-slay P2-M na

Patuloy ang pagtaas ng nakahandang reward money para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan.

Umabot na ang kabuuang halaga ng reward money sa dalawang milyong piso.

Ito ay matapos ianunsiyo ni Presidential Assistant to the Visayas Michael Diño ang dagdag na P100,000 reward money.

Karagdagan pang P100,000 ang ibinigay ni Philpost Chairman Norman Fulgencio.

Ani Diño, ito ay mula sa kaniyang sariling bulsa.

Nauna namang malikom ang isang milyong piso mula sa Lapu-Lapu City government, 500 thousand pesos sa isang dayuhan na nakatira sa Leyte, 100 thousand pesos mula sa Advisory Council ng Police Regional Office sa Central Visayas, at 200 thousand pesos naman mula sa Provincial Council for the Welfare of Children.

Umaasa si Diño na makatutulong ang nalikom na reward money para sa mabilis na pagkamit ng hustisya para kay Silawan.

Samantala, nagbigay pa si Diño ng P20,000 na cash assistance para sa pamilya ng biktime mula sa Office of the President.

Read more...