Imbestigasyon ng PNP sa pagpatay sa dalagita sa Cebu pinamamadali na ni Pang. Duterte
Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa pagpatay sa dalagita sa Cebu kung saan binalatan pa ang kanyang mukha.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa paniwala ng palasyo, drug addict ang nasa likod sa pagpatay sa dalagita.
Hindi kasi aniya biro na balatan pa ang mukha ng biktima.
Kagabi lamang, hindi naitago ng pangulo ang galit sa mga suspek.
Napamura pa ito sa kasagsagan ng kaniyang talumpati at sinabing mga adik ang nasa likod ng krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.