Proseso ng pag-aampon ng bata pinadali na ni Pangulong Duterte

Mas madali na ngayon ang pagproseso sa pag-aampon ng mga bata.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11222 o ang Simulated Birth Certification Act.

Sa ilalim ng bagong batas, bibigyan ng amnestiya ang mga nagmamanipula ng birth records ng mga bata.

Nakapaloob din sa bagong batas na sa loob ng sampung taon ay dapat maghain ang aplikante ng pormal na petition for adoption at application for rectification of simulated birth record sa Department of Social Welfare and Development o DSWD para gawing legal na ang pag-aampon.

Pero kinakailangan na patunayan ng mga aplikante na siya ay isang Filipino, nasa legal na edad at may kapasidad na mag-alaga ng bata at hindi pa napapakulong na ano mang kaso.

Kinakailangan na hindi lalagpas sa tatlong buwan ang pagproseso sa DSWD.

Sakaling aprubado, mabibigyan ng bagong birth certificate ang bata at matatamasa nito ang mga karapatan at pribilehiyo ng isang lehitimong anak alinsunod sa batas.

Inaatasan din ang dswd, epartment of justice, department of interior and local government, Philippine statistics office na bumalangkas ng implementing rules and regulations.

Nabatid na noon pang Feb. 21 nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas.

Read more...