Eroplanong sinasakyan ng Otso Diretso candidates bigong makalapag sa paliparan sa Isabela

By Dona Dominguez-Cargullo March 14, 2019 - 10:41 AM
Hindi natuloy ang pagsasagawa dapat ngayong umaga ng campaign rally ng “Otso Diretso” sa Isabela at Cagayan.   Sa abiso ng Otso diretso, nagpasya silang kanselahin na ang sorties sa dalawang lalawigan matapos na hindi makapalapg ang sinasakyang eroplano ng mga kandidato sa paliparan sa Isabela.   Sa post sa Twitter ng isa sa mga kandidato ng oposisyon na si dating Cong. Erin Tañada, dalawang beses tinangka ng kanilang piloto na lumapag pero bigo ito.   Nagpasya na lamang umano silang bumalik sa Metro Manila.   Dapat sana ay mayroong campaign sortie ngayong araw at bukas sa Cauayan City, Isabela at sa Tuguegarao City sa Cagayan ang Otso Diretso.

TAGS: Cagayan, Campaign sortie, isabela, Otso Diretso, Cagayan, Campaign sortie, isabela, Otso Diretso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.